wala na, okey na
ayos na to, pwede na
okey na di na'ko magising pa
tapos na, talo na...
wala na, okey na talaga ko
wala nang nararamdaman ang puso
maging ang utak ay wala na ring laman
totoong wala talaga akong nararamdaman,
walang wala na, okey na okey na
hindi ako malungkot ni hindi rin masaya
oo, totoo, wala akong maramdaman
na parang batong tinapakan.
wala na, okey na
iiwan ko na, bibitawan ko na...
lahat ng pangarap at plano
tuluyan nang maglalaho.
wala na, ubos na ang oras..
kahit pa kumaripas,
mga pangarap na binuo ng musmos,
unti-unti nang nauubos.
wala na, pagod na,
wag nang pilitin pa
heto ngayo't punong puno ng dugo.
wala na, wala nang pag-asa
hindi na kaya,
kahit galingan ko pa,
talagang talo na..
wala na, tapos na...
pwede na kong magpahinga.
-Ren-