Sinasabi Nya, " Ihinto ang labanan, Ako ang Dios, dapat ninyong malaman, kataas-taasan sa buong sanlibuta'y pinakadakila".
Magdadalwang taon nakong nagtatrabaho abroad,
nagpapakapagod at nagpapakadalubhasa sa buhay ko dito sa mundong to.
Nagpapakabusy, inuubos ang oras sa trabaho at FB,
ngunit natatapos ang araw ko na parang walang satisfaction kundi puro pagod ang bukambibig:
"ayoko na! pagod na ko!" pero buong araw pa ring nagtatrabaho…
Bawat segundong lumipas ay segundong nakakalimot ako sa Panginoon Dios.
"Hassle!, hectic sched! back to back duty! split shift!, 4hours na tulog, non-stop operations,
dito umiikot ang bawat araw ko sa buong linggo...
na para bang hinihintay ko na lang na araw ay matapos at lumubog
Sa panahon na lumipas, hindi ko namalayang araw ay kumaripas,
mga araw na wala ako sa presensya ng Panginoon…ayun at nagwawakas.
Nanakaw na!! nanakaw na nga ng trabaho kong toh ang mga oras,
araw na dapat sa Kanya ko tinutuon.
"Teka lang! hinay hinay lang, ihinto muna ang laban!"
"Ako naman! Ako'y iyong pakinggan"
"Ako ang pinakadakila, Hari ng mga hari, Kataas-taasan sa buong sanlibutan!"
"Ngunit Ako rin ay iyong Ama, na walang hangad kundi ang yong kabutihan".
Ama, kailanman hindi Ka nawalan ng tiwala sakin,
palagi Mong sinasabi na kaya ko, alalay lang,
lagi Mong pinapaalala sakin na anjan Ka lang
at hinding-hindi mo ako iiwan,
lagi Mong pinapaalam sakin na yung mga blessings na binibigay Mo, lahat yun ay deserved ko
kaya sabi Mo "just received it, be grateful for it and hide it in your heart".
"Mananakaw ang lahat ng mundong toh, ngunit hindi ang pag-ibig Ko sayo".
(originally written on 2014)