*Originally written on September 2016.
"Lahat naman tayo gustong makita yung true love natin.
Kahit naman sino siguro gusto ng happily ever after.
Tiyagaan lang talaga ng paghihintay at patatagan sa lahat ng sakit na mararanasan.
Ikaw?.. hanggang kelan mo kayang maghintay? hanggang saan mo kayang maglakbay?"
Sa Pag-ibig, merong...
"pagmahal ka, babalikan ka"..
meron ding...
"True love waits"..
merong.. "
hahamakin ang lahat masunod ka lamang"..
at meron ding... "
Pag-ibig na hindi ko man hanapin dudulog, lalapit kung talagang akin".
Mga kasabihang iisa ang pinuponto kundi "Pag-ibig", mga kasabihang oo, totoo..pero kokonti ang kayang manindigan.
Sa Pag-ibig, may kanya kanya tayong kwento at gulo ng scenario.
may komplikado, may hindi kontento, may nagtatagal, may naghihiwalay, may nagsisimula at meron ding malapit nang magsawa.
Paulit-ulit lang noh? parang gulong na walang ginawa kundi umikot nang umikot, at kahit ma-flat.. pilit pa ring bubumbahan para umikot lang at
umikot lang ulet.
Sa kwento ng tunay na Pag-ibig.... merong true love na bata pa lang nakilala mo na, meron ding matagal bago mo pa makita.
Merong ........ pinagtagpo na nang tadhana pero takot pang harapin, takot pang mahalin.
Merong ........ Hindi pa pinagtatagpo pero pareho nang handa at naghihintay na lang kung kelan sila magkikita.
Merong ......... parehas nang nasaktan at parehas nang iniwan kaya't takot nang magmahalan.
Merong ......... Kaibigan mo lang pala, hindi mo pa makita.
Merong ......... anjan na, hawak na nila ang isa't isa pero naghahanap pa ng iba.
Merong .......... akala nila, sila na..pero hindi pa pala.
Merong .......... naghihintay, meron ding nagkakasawaan.
Merong .......... kunyari walang pakialam pero kung mag-alala daig pang magulang.
Merong .......... unang kita pa lang alam na nilang sila, at meron din namang nagkita nga pero huli na.
Merong ........ pilit pinaglalaban na parang ang buong mundo'y gusto na nilang takasan.
Merong ........ sobrang saya at ayaw nang pakawalan ang isa't-isa. Meron din namang sobrang tagal na pero alam nilang hindi na sila masaya.
Merong ....... sa simula kaibigan, hanggang matapos kaibigan pa rin??! (manhind lang ??!! -_-||)
Merong ....... kasama na sa mga options mo, kelangan mo na lang I-select.. and P.S: seryosohin mo na please!!
Merong ....... pilit nagseset nang standard, just another way para sabihing, "sana maging ganto ka para mahalin na kita". (Panu kung hindi? iiwan mo rin ba?)
Merong ....... nagbubulag-bulagan kasi ayaw magkasakitan, pero hindi nila alam na mas Lalo silang nasasaktan sa mga panahong nagpapanggap silang walang pakialam.
Merong ....... patuloy na naghihintay at meron ding patuloy na nagmamahal kahit ilang beses pa silang magkamali at masaktan.
Merong ........ ayaw ng commitment at konteto sa tamang landi... pero panu kung matagpuan mo na ang taong para sa'yo? lalandi ka pa ba ? o this time you're ready to commit na.
Merong ....... pinagtagpo na noon pero mali pa ang panahon, hanggang pagtagpuin muli sila sa pangalwang pagkakataon... pakakawalan nyo pa ba ang isa't isa at aasang sana'y may susunod pa?? o hahawakan mo na sya at sasabihing "Akin ka na!"
Merong ........ mahal mo na pero nagdadalwang isip ka kasi hindi sya yung pinapangarap mong tulad ng iba.
Merong ........ nagmamadali kaya nagkamali.
Merong ........ pigil na pigil pero gigil na gigil... holding them back dahil sa pride na pumipigil sa kanilang damdamin.
Merong ....... ayaw makipagsapalaran dahil pakiramdam nila putcho putcho sila kumpara sa mga minahal nya sa nakaraan.
Meron din namang... hindi nagpatumpik tumpik pa at sinigurado nang para sila sa isa't isa.. walang kokontra!..
Lahat naman tayo umaasang sana sya na, na sana matagpuan nyo na ang isa't isa at sana wag nang pakawalan pa.
Maraming pwedeng maging scenario ng istorya mo at ikaw din naman ang bubuo ng sariling kwento mo.
Madali lang namang intindihin ang nararamdaman... kailangan mo lang pagdesisyunan.
Kahit saang angulo tingnan at kahit gaano pa kagulo ang nararamdaman....
Sa huli, PAG-IBIG pa rin ang tawag jan!..