Saturday, November 16, 2019

The Art of Pain...

Wala akong magawa kundi bumaluktot at umiyak sa kama… Wala akong magawa kundi ang sumigaw habang pinipigil ng mga unan ang aking palahaw…. Wala akong magawa kundi tangapin ang lahat at tanungin ang sarili "kelan matatapos ang sakit?".. Wala akong magawa kundi lunurin ang sarili sa malulungkot na awit kasabay ng humihikbing mga labi.. Wala akong magawa kundi sisihin ko ang sarili! Magalit! Malungkot! Matakot at kaawaan ang sarili.

Anung pwede kong gawin???

Dahil ang hirap pilitin, ni hindi  na kayang pangitiin..
Anung pwede kong gawin?
Sa mga matang namumugto na tila ba hindi na muling tatawa pa..
Anung pwede kong gawin ? Nang maibsan kahit konti lang ang sakit na aking nararamdaman..
Anung pwede kong gawin? Anu? Pakiusap sabihin mo!

Dahil buong gabing mulat ang aking mga mata,at tila ba hindi na ako humihinga..
Nakahiga sa aking kama, nakatulala at parang hindi kayang bumangon pa.
Walang tigil sa pagtakbo ang pag-iisip. Ang sakit!
Na Parang dinudurog ang aking puso at utak hanggang wala na itong maramdaman pa! Ang sakit!
Ngunit wala akong magawa kundi ang dumaing!
Hindi ko alam ang gagawin!...


Binalikan ko ang mga pangyayari.
Hindi ko malilimutan, nanginiginig ang aking buong katawan, naninikip ang aking dibdib,  at hindi ko alam kung paano at ano ba ang dapat kong gawin.
Bumuhos ang aking mga luha kasabay ng aking paglaban at kunyaring nagtatapang tapangan.
Tinuloy ko ang aking trabaho ngunit ilang sandali'y hindi ko na napigil, ako'y napatakbo palayo at napaluhod sa sobrang panghihina ng aking mga tuhod.
Bakit? Paano? Mga tanong sa aking sarili.
Anung gagawin ko sa sakit na dulot mo? Sabihin mo, nakikiusap ako!




No comments:

Post a Comment