HOPE ♥ FAITH ♥ LOVE ♥ HOPE ♥ FAITH ♥ LOVE ♥ HOPE ♥ FAITH ♥ LOVE
Sapagkat batid kong lubos ang mga plano Ko para sa'yo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito'y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punong puno ng pag-asa
"Punong-puno ako ng pangarap sa buhay, pangarap na magkaroon ng malakig bahay na may magagandang gamit, Coffee shop na sikat at maasenso, isang young entrepreneur, makapag-aral ng fine arts sa Italy kasabay ng pagkakaroon ko ng sariling Art Gallery, ang pangarap na makapag-bakasyon kami ng buong pamilya ko sa isang magarang resort, magkaroon ng kyut na mabalahibong aso, magagandang damit at sapatos, pangarap na mabilhan ko si papa ng kotse, si mama ng gintong palamuti at mamahaling bag para kay ate pangga, nangarap din akong maging fashion model at designer, maging pastry chef, photographer o isang event planner & organizer... Ang dami dami kong pangarap sa buhay, maliliit man o malalaki, impossible man o kayang tuparin.. mga sarili kong plano na walang katiyakan kung matutupad ko nga ba ang lahat ng ito sa kinabukasan ko. Ngunit ang lahat ng ito ay isinuko ko na sa Panginoon at ipinagkatiwala tanging sa Kanya.
|
(c) NonaMah |Photography |
Ang Akala ko'y tunay ko nang isinuko sa Dios ang mga pangarap kong ito, pero bakit palagi pa rin akong nag-aalala, natatakot na baka hindi ako magtagumpay at ...mabigo? Sa t'wing maiisip ko ang dami at laki ng mga pangarap ko sa buhay, naiiyak ako sa takot at pag-aalala na panu kung matalo at mabigo ako? panu kung magkamali ako?, panu kung hindi ko matupad lahat ng ito? panu ko kakayaning tanggapin ang kabiguan ng mga pngarap ko?.. Mga katanungang laging gumugulo sa isipan ko, nagpapaiyak at nagpapabigat sa kalooban ko. Nung araw na sinabi at sinuko ko sa Dios ang lahat ng ito, ang akala ko'y ganun na lang kadali yun, akala ko basta't sabihin ko lang sa Kanya at ipagkatiwala ay OK na! at matutupad na ang lahat!.. Ngunit hindi pala, dahil nun palang pala magsisimula ang lahat. Araw-araw akong sinusubok ng Panginoon, kung gaano kalalim ang pananampalataya ko sa Kanya at kung hanggang saan ko kayang ipagkatiwala ang lahat sa Kanya, hanggang saan nga ba? Sa mga araw na nabibigo at nagkakamali ako, napapagod at nahihirapan, agad akong humihingi ng saklolo sa Kanya at sa mga araw na pinagpapala ako ng lubos, umaapaw naman ang pasasalamat ko sa Kanya.
|
(c) TrafalgarLaw |Photography |
Lumipas ang maraming araw na hindi ko na mabilang, biglang nakakaramdam ako na para bang ako'y nawawala, na parang ang Dios ay lumalayo na sa akin. Hindi ko na maramdaman ang init ng Presensya Nya o kahit manlang panlalamig..wala, wala akong maramdaman. Sinusubukan kong manalangin ngunit hindi pumasok ang spiritual being ko. Bigat na bigat ako, pagod na pagod at palaging nagaalala sa bukas. Palagi akong nananabik na isang umaga, magising akong muli sa bisig ng Panginoong Dios na yakap yakap ako nang buong pagpapatawad sa lahat ng mga pagkukulang ko. Ngunit wala... ako'y sadyang nawala at hirap na hirap nang bumalik sa dating punong puno ng pag-asa at pangarap.
But then the day came! ang araw na pinanabikan ko, nang muli akong magkaroon ng pagkakataon na umattend ng church service.. bumuhos ang luha ko, ako'y nanghina na para bang kinukuha sakin ang lahat ng lakas ko.. i felt weak, nothing but so weak. At biglang gumaan ang pakiramdam ko, umaliwalas ang aking mukha, bakas ang mga ngiti saking mga labi na nagmumula sa aking puso.
Ipinaunawa sa akin ng Dios na noong araw na isinuko ko sa Kanya ang aking mga pangrap ay isinuko ko lang pala, ngunit hindi ko tinanggap ang pag-asang nasa likod ng mga pagsubok at katagumpayan sa bawat kabiguan. Ang lahat ng ito'y ipinagkaloob Nya sakin pero naging bulag ako sa takot at pangamba. Napakabuti ng Dios sa buhay ko!!!
And now, I'm praying for the renewal of my heart, my mind and my soul! Binabawi ko na ang lahat ng init at intense ng Presensya Nya na ninakaw ng takot at pag-aalala. Nasa akin nang muli ngayon ang mga pangarap na aming binuo na puno ng pag-asa mula sa Kanya at pagtitiwala mula sakin. Kasabay nito ang pagtanggap ko sa hamon ng pagsubok at kabiguan, ngunit ang pangako Niyang katagumpayan ang aking pinanghahawakan. Nananampalataya ako at nagtitiwalang ang buhay at kinabukasan ko ay tiyak at ayon sa Kanyang mga plano, malalampasan ko ang lahat sa tulong Nya at tanging Sya lang.
|
#RenewedHeartMindSoul #IAmFree #Hope&Future #DreamsWithFaith |
|
Originally written on February 2014 |
"Padadalhan kita ng sunod-sunod na tagumpay,
parang mga patak ng ulan na bumabagsak sa lupa;
dahil dito'y maghahari sa daigdig ang kalayaan at katarungan.
Akong si Yahweh ang magsasagawa nito."