Friday, April 8, 2016

Walang Katapusang PAG-IBIG na Walang Hanggan...


Ref. verse: [Roma 8.38]
Sapagkat natitiyak kong walang makapaghihiwalay sa atin sa Kanyang Pag-ibig. Kahit ang kamatayan, ang buhay, ang mga anghel, ang mga pamunuan o ang mga kapangyarihan, ang kasalukuyan o ang hinaharap.

Nang muli Syang nangusap sa akin:
"Anak, hindi mo siguro batid kung gaano Kita kamahal,
Pag-ibig ng isang Ama na walang hanggan. Pag-ibig Ko sayong walang hinihintay na kapalit.
Pinipilit Kitang angkinin, ngunit pilit mo pa ring niyayakap ang mundong ito.
Nalalaman Kong hindi pa totoong buo ang pag-ibig mo sa Akin, ni hindi mo pa kayang isuko at ipagkatiwala sa Akin ang buong buhay mo... ngunit andito lang Ako , palaging naghihintay sayo, namamalimos ng pag-ibig mo.
Minsan sinasabi mong iniibig mo Akong iyong Panginoon ngunit hindi mo manlang Ako mabanggit sa katabi mo at sabihing "Mahal ka ng Dios".
Mahal na mahal Kita kung kaya't ginigising Kita t'wing umaga.
Pag-ibig Ko sayong hindi nagbabago, gaano man kalaki o karami ang dinadagdag ng kasalanan mo.

originally written on
26th of November 2013

Ref. verse [Juan 3.16]
Sapagkat gayun na lamang ang pag-ibig ng Dios sa sanglibutan kung kaya't ibinigay Niya ang Kanyang kaisa-isang anak, upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

No comments:

Post a Comment