it's my 11th month as an OFW,
when the time comes that i
feel so tired physically & emotionally.
|
Ref. verse [Josue 1.9] Tandaan mo ang bilin Ko: Magpakatatag ka at lakasan mo ang iyong loob. Huwag kang matakot o mawalan ng pag-asa sapagkat Akong si Yahweh na iyong Diyos ay kasama mo saan ka man magpunta.
Nang minsang nangusap sakin ang Panginoon:
"Nakalimutan mo na ba anak? Noong araw na bago ka umalis ng sarili mong bansa... pinagako Ko sayo na kahit saan ka magpunta palagi mo Akong kasama, sa bawat ginagawa mo binabantayan ko maging ang lahat ng iniisip mo at nararamdaman mo pinapatnubayan ko.
Sinabi Ko sayo na nakahanda na ang lahat sa lugar na pupuntahan mo, maging ang mga taong makakasalamuha mo..lahat ay inihanda Ko na para sayo. Kaya nga't huwag kang matakot, huwag kang mawalan ng pag-asa, sapagkat buong-buo ang Aking tiwala sayo na mapagtatagumpayan mo ang lahat ng ito. Nalalaman Ko ang lahat ng pinagdadaanan mo ngayon..ang pagod, ang yung lungkot, magulong pag-iisip at halu-halong emosyon. Ngunit hindi ba't may ipinagako Ako sayong kapahingahan?"originally written on 18th of November 2013 |
Ref. verse: [Mateo 11.28] "Lumapit kayo sa Akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin at kayo'y bibigyan Ko ng kapahingahan.""Huwag kang magdadalwang isip na lumapit sa Akin kapag napapagod ka o nabibigatan, pagkat yayakapin Kita nang mahigpit, hahayaang mahiga sa Aking mga bisig at walang aalalahanin...ganyan ang kapahingahang pangako Ko sayo"
No comments:
Post a Comment