Saturday, April 9, 2016

Buhay na Puno ng Pag-asa at Pangarap...

HOPE  ♥  FAITH  ♥  LOVE  ♥  HOPE  ♥  FAITH  ♥  LOVE  ♥  HOPE  ♥  FAITH  ♥  LOVE

Sapagkat batid kong lubos ang mga plano Ko para sa'yo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito'y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punong puno ng pag-asa
"Punong-puno ako ng pangarap sa buhay, pangarap na magkaroon ng malakig bahay na may magagandang gamit, Coffee shop na sikat at maasenso, isang young entrepreneur, makapag-aral ng fine arts sa Italy kasabay ng pagkakaroon ko ng sariling Art Gallery, ang pangarap na makapag-bakasyon kami ng buong pamilya ko sa isang magarang resort, magkaroon ng kyut na mabalahibong aso, magagandang damit at sapatos, pangarap na mabilhan ko si papa ng kotse, si mama ng gintong palamuti at mamahaling bag para kay ate pangga, nangarap din akong maging fashion model at designer, maging pastry chef, photographer o isang event planner & organizer... Ang dami dami kong pangarap sa buhay, maliliit man o malalaki, impossible man o kayang tuparin.. mga sarili kong plano na walang katiyakan kung matutupad ko nga ba ang lahat ng ito sa kinabukasan ko. Ngunit ang lahat ng ito ay isinuko ko na sa Panginoon at ipinagkatiwala tanging sa Kanya.
(c) NonaMah |Photography

Ang Akala ko'y tunay ko nang isinuko sa Dios ang mga pangarap kong ito, pero bakit palagi pa rin akong nag-aalala, natatakot na baka hindi ako magtagumpay at ...mabigo? Sa t'wing maiisip ko ang dami at laki ng mga pangarap ko sa buhay, naiiyak ako sa takot at pag-aalala na panu kung matalo at mabigo ako? panu kung magkamali ako?, panu kung hindi ko matupad lahat ng ito? panu ko kakayaning tanggapin ang kabiguan ng mga pngarap ko?.. Mga katanungang laging gumugulo sa isipan ko, nagpapaiyak at nagpapabigat sa kalooban ko. Nung araw na sinabi at sinuko ko sa Dios ang lahat ng ito, ang akala ko'y ganun na lang kadali yun, akala ko basta't sabihin ko lang sa Kanya at ipagkatiwala ay OK na! at matutupad na ang lahat!.. Ngunit hindi pala, dahil nun palang pala magsisimula ang lahat. Araw-araw akong sinusubok ng Panginoon, kung gaano kalalim ang pananampalataya ko sa Kanya at kung hanggang saan ko kayang ipagkatiwala ang lahat sa Kanya, hanggang saan nga ba? Sa mga araw na nabibigo at nagkakamali ako, napapagod at nahihirapan, agad akong humihingi ng saklolo sa Kanya at sa mga araw na pinagpapala ako ng lubos, umaapaw naman ang pasasalamat ko sa Kanya.
(c) TrafalgarLaw |Photography
Lumipas ang maraming araw na hindi ko na mabilang, biglang nakakaramdam ako na para bang ako'y nawawala, na parang ang Dios ay lumalayo na sa akin. Hindi ko na maramdaman ang init ng Presensya Nya o kahit manlang panlalamig..wala, wala akong maramdaman. Sinusubukan kong manalangin ngunit hindi pumasok ang spiritual being ko. Bigat na bigat ako, pagod na pagod at palaging nagaalala sa bukas. Palagi akong nananabik na isang umaga, magising akong muli sa bisig ng Panginoong Dios na yakap yakap ako nang buong pagpapatawad sa lahat ng mga pagkukulang ko. Ngunit wala... ako'y sadyang nawala at hirap na hirap nang bumalik sa dating punong puno ng pag-asa at pangarap.

But then the day came! ang araw na pinanabikan ko, nang muli akong magkaroon ng pagkakataon na umattend ng church service.. bumuhos ang luha ko, ako'y nanghina na para bang kinukuha sakin ang lahat ng lakas ko.. i felt weak, nothing but so weak. At biglang gumaan ang pakiramdam ko, umaliwalas ang aking mukha, bakas ang mga ngiti saking mga labi na nagmumula sa aking puso.
Ipinaunawa sa akin ng Dios na noong araw na isinuko ko sa Kanya ang aking mga pangrap ay isinuko ko lang pala, ngunit hindi ko tinanggap ang pag-asang nasa likod ng mga pagsubok at katagumpayan sa bawat kabiguan. Ang lahat ng ito'y ipinagkaloob Nya sakin pero naging bulag ako sa takot at pangamba. Napakabuti ng Dios sa buhay ko!!!

And now, I'm praying for the renewal of my heart, my mind and my soul! Binabawi ko na ang lahat ng init at intense ng Presensya Nya na ninakaw ng takot at pag-aalala. Nasa akin nang muli ngayon ang mga pangarap na aming binuo na puno ng pag-asa mula sa Kanya at pagtitiwala mula sakin. Kasabay nito ang pagtanggap ko sa hamon ng pagsubok at kabiguan, ngunit ang pangako Niyang katagumpayan ang aking pinanghahawakan. Nananampalataya ako at nagtitiwalang ang buhay at kinabukasan ko ay tiyak at ayon sa Kanyang mga plano, malalampasan ko ang lahat sa tulong Nya at tanging Sya lang.
#RenewedHeartMindSoul #IAmFree #Hope&Future #DreamsWithFaith
Originally written on February 2014

"Padadalhan kita ng sunod-sunod na tagumpay,

parang mga patak ng ulan na bumabagsak sa lupa;
dahil dito'y maghahari sa daigdig ang kalayaan at katarungan. 
Akong si Yahweh ang magsasagawa nito." 

Friday, April 8, 2016

Walang Katapusang PAG-IBIG na Walang Hanggan...


Ref. verse: [Roma 8.38]
Sapagkat natitiyak kong walang makapaghihiwalay sa atin sa Kanyang Pag-ibig. Kahit ang kamatayan, ang buhay, ang mga anghel, ang mga pamunuan o ang mga kapangyarihan, ang kasalukuyan o ang hinaharap.

Nang muli Syang nangusap sa akin:
"Anak, hindi mo siguro batid kung gaano Kita kamahal,
Pag-ibig ng isang Ama na walang hanggan. Pag-ibig Ko sayong walang hinihintay na kapalit.
Pinipilit Kitang angkinin, ngunit pilit mo pa ring niyayakap ang mundong ito.
Nalalaman Kong hindi pa totoong buo ang pag-ibig mo sa Akin, ni hindi mo pa kayang isuko at ipagkatiwala sa Akin ang buong buhay mo... ngunit andito lang Ako , palaging naghihintay sayo, namamalimos ng pag-ibig mo.
Minsan sinasabi mong iniibig mo Akong iyong Panginoon ngunit hindi mo manlang Ako mabanggit sa katabi mo at sabihing "Mahal ka ng Dios".
Mahal na mahal Kita kung kaya't ginigising Kita t'wing umaga.
Pag-ibig Ko sayong hindi nagbabago, gaano man kalaki o karami ang dinadagdag ng kasalanan mo.

originally written on
26th of November 2013

Ref. verse [Juan 3.16]
Sapagkat gayun na lamang ang pag-ibig ng Dios sa sanglibutan kung kaya't ibinigay Niya ang Kanyang kaisa-isang anak, upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Kapahingahan sa Kapaguran...

it's my 11th month as an OFW, 
when the time comes that i
feel so tired physically & emotionally.
Ref. verse [Josue 1.9] Tandaan mo ang bilin Ko: Magpakatatag ka at lakasan mo ang iyong loob. Huwag kang matakot o mawalan ng pag-asa sapagkat Akong si Yahweh na iyong Diyos ay kasama mo saan ka man magpunta.

Nang minsang nangusap sakin ang Panginoon:
"Nakalimutan mo na ba anak? Noong araw na bago ka umalis ng sarili mong bansa... pinagako Ko sayo na kahit saan ka magpunta palagi mo Akong kasama, sa bawat ginagawa mo binabantayan ko maging ang lahat ng iniisip mo at nararamdaman mo pinapatnubayan ko.
Sinabi Ko sayo na nakahanda na ang lahat sa lugar na pupuntahan mo, maging ang mga taong makakasalamuha mo..lahat ay inihanda Ko na para sayo. Kaya nga't huwag kang matakot, huwag kang mawalan ng pag-asa, sapagkat buong-buo ang Aking tiwala sayo na mapagtatagumpayan mo ang lahat ng ito. Nalalaman Ko ang lahat ng pinagdadaanan mo ngayon..ang pagod, ang yung lungkot, magulong pag-iisip at halu-halong emosyon. Ngunit hindi ba't may ipinagako Ako sayong kapahingahan?"


originally written on
18th of November 2013
Ref. verse: [Mateo 11.28] "Lumapit kayo sa Akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin at kayo'y bibigyan Ko ng kapahingahan."
"Huwag kang magdadalwang isip na lumapit sa Akin kapag napapagod ka o nabibigatan, pagkat yayakapin Kita nang mahigpit, hahayaang mahiga sa Aking mga bisig at walang aalalahanin...ganyan ang kapahingahang pangako Ko sayo"